andami kong saloobin ukol sa paghahanda sa araw ng kasal. iba pang usapin yung pagiging handa sa buhay may-asawa, mas malawak yun. sa ngayon, kasal muna ang pinaghahandaan ko, namin ni ayah. tama nga ang sinasabi ng karamihan. dapat ay handa ka bago magpakasal. hindi lang emosyonal kundi maging pinansyal. lalo sa isang tao na ikakasal na napakatagal hinintay ng maraming kamag-anak at kaibigan *ehem*. pakiramdam ko, hindi pwede ang simpleng kasalan. maraming magdaramdam kapag hindi naimbitahan. paano naman ako? paano naman yung gusto ko? talaga bang kailangang isaalang-alang yung kagustuhan ng ibang tao bago yung kagustuhan nung mga taong ikakasal mismo? andaming mga puna kabi-kabila. suhestyon na masarap sanang tanggapin kung ang tunog nito ay hindi ikasasama ng loob kapag hindi namin sinunod. sa ngayon, nasa mahigit 250 ang naitatalang bisita na iimbitahan at marami pa doon ang hindi nakasama sa mga tao na halos araw-araw ay kumukumusta sa kasal. pinanukala ko nang magbawas ng bisita pero parang ganun din. malamang humigit sa 300 daan ang maging bisita at oo, marami pa rin ang sasama ang loob sa kadahilanang hindi naimbitahan. minsan tuloy naiisip ko, ano ba talaga ang habol ng mga ito sa kasal: usyoso? pagkain? makapagpahayag ng puna? o mabibilang lang yung talagang tapat sa pakikigalak sa pag-iisang dibdib ng dalawang nilalang na ikinasal?
kung ako ang tatanungin, gusto ko na ang lahat ng kamag-anak, kaibigan at taong malapit sa akin ay masaksihan ang pagkakasal sa bahay-sambahan, at yung talagang pinakamalalapit na tao lamang ang makasalo namin sa handaan. pero tila baligtad yata ang isipan ng mga tao. mas gusto sa handaan kaysa sa banal na pagbubuklod sa bahay-sambahan. ang pangit. ako, may ilang kasal na rin ng kaibigan na ang dinaluhan lang ay ang seremonyas sa sambahan at di na tumulak sa reception. sa akin kase, bagama’t mabuti na daluhan ang lahat ng bahagi ng kasalan ay mas mahalaga yung masaksihan ko ang pagbubuklod sa harap ng Diyos kaysa ang kumain lang sa reception. pero kanya-kanyang pananaw yan. yun naman ay sa akin lamang.
sa ngayon, ang dapat pang asikasuhin ay ang ukol sa maghahanda ng pagkain. halos naayos na naman yung iba pa. isa sa mga dapat ding harapin ngayon ay ang paglalakad ng mga papel na lubhang marami at nakakaubos ng panahon. ok. paano kaya ito sisimulan? hmm… sige lang. sabi ko nga sa sarili ko: "just take things one day at a time."
…kakatext lang ni itay.. pinapa-audit yung balanse nya sa banko. mukhang kakapusin daw kase yung pamasahe nina ate ko dahil peak season and petsa ng kasal. hayyy… kailangan talaga may mga ganitong suliranin na dapat gumambala sa isipan?
Grabe Kuya. Ikakasal ka na. Parang kailan lang, pareho tayong namumroblema sa pag-ibig. Hahahaha!
Seriously, I’m so happy for you! You know, marami ka mang kailangang asikasuhin for the wedding and many other things may drive you crazy along the way but you see, the most important thing here is that you are going to spend the rest of your life with the person that you love. Screw the other people! It’s both your happiness that’s most important.
Congratulations in advance!
Ganda ng blog mo. Nakaka-touch. I am getting married soon too. Our 8th year on May 24 as couple.
I am working on a sweet finish blog and both of my
personal blogs:
insidemycradle.blogspot.com
irishnymph.blogspot.com
GOOD LUCK TO YOUR WEDDING PREPS! CHEERS TO A GOOD LIFE!
Posted by Riana Rose B Rumusud at April 8, 2008, 11:03 pmhahaha natawa naman ako sa description nung mga gusto pumunta: mga usisero at kalatog-pinggan tlaga ung iba. para ka lang nag-Tambalan segment dito a. lolz
Posted by ohmski at November 11, 2009, 3:24 pm@ohmski tambalan ba ‘ika mo? hehe.. sige, “una magdasal ka para mabuhay ka, pangalawa mag-toothbrush ka para mabuhay naman ang iba… yooooonnnn!!!”
:D
Posted by jonmagat at November 11, 2009, 3:31 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
adik, san kuha ang pic na yan?
Posted by adicute at January 22, 2008, 3:39 pm